Friday, March 30, 2012

Manghorenzz. ^____^

Kaibigan ko’ng kapatid!
by: Odyssa G. Edig

Madalas tayong hindi nagkakaintindihan
Na nauuwi minsan sa matinding tampuhan
Nakailang away na rin tayo
Na naging dahilan kung bakit naging iyakin ako

Kapatid, kaibigan ang turing ko sa’yo
Minamahal kita nang higit pa sa alam mo
Marami ka’ng naituro at naibahagi sa akin
Na mas lalong nagpatibay ng samahan natin

Binigay ko ang lahat ng ninais mo
Kahit na minsa’y ito’y labag sa kalooban ko
Wala akong hininging kapalit
Ni wala kang narinig na “ano”, “paano” at “bakit”

Manghod Orven, ito ang tatandaan mo
Kahit ano pa man lagi lang akong naririto
Umulan man o bumagyo tawagin mo lang ako
At ako’y agad na darating para lang sa’yo


We're not related by blood, we're related by a bond called friendship.  
Happy happy birthday manghod! :))